Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

𝐒𝐊 𝐒𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒𝐅𝐄𝐒𝐓 2025: 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 2 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑-𝐒𝐈𝐓𝐈𝐎 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐓𝐎𝐔𝐑𝐍𝐀𝐌𝐄𝐍𝐓(𝑱𝒖𝒏𝒊𝒐𝒓 & 𝑺𝒆𝒏𝒊𝒐𝒓 𝑫𝒊𝒗𝒊𝒔𝒊𝒐𝒏)

Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa opisyal na pagbubukas ng 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿-𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗕𝗮𝘀𝗸𝗲𝘁𝗯𝗮𝗹𝗹 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗻𝗮𝗺𝗲𝗻𝘁 sa darating na 𝗝𝘂𝗻𝗲 14, 2025, 𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗮 1:00 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻, 𝘀𝗮 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗻𝗮 𝗖𝗼𝗿𝗲𝗵𝗼𝘂𝘀𝗶𝗻𝗴. Ito ay bahagi ng ikalawang season ng SK Sportsfest 2025 na naglalayong itaguyod ang disiplina, pagkakaisa, at siglang pangkabataan sa pamamagitan ng isports.

Tampok sa aktibidad ang paligsahan sa dalawang dibisyon:
𝙅𝙪𝙣𝙞𝙤𝙧 𝘿𝙞𝙫𝙞𝙨𝙞𝙤𝙣
𝙎𝙚𝙣𝙞𝙤𝙧 𝘿𝙞𝙫𝙞𝙨𝙞𝙤𝙣

Bilang bahagi ng pagbubukas, magkakaroon din ng 𝗠𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 kung saan ang bawat koponan ay maghahandog ng kanilang kinatawan upang ipamalas ang ganda, talino, at kumpiyansa.

𝘼𝙣𝙜 𝙝𝙪𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙧𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙪𝙨𝙪𝙢𝙞𝙩𝙚 𝙣𝙜 𝙩𝙚𝙖𝙢 𝙡𝙞𝙣𝙚-𝙪𝙥, 𝙧𝙚𝙜𝙞𝙨𝙩𝙧𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙛𝙤𝙧𝙢, 𝙖𝙩 𝙗𝙪𝙤𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙙 𝙨𝙖 𝙚𝙣𝙩𝙧𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙛𝙚𝙚 𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙅𝙪𝙣𝙚 1, 2025, 𝙝𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙡𝙖𝙨-𝙨𝙞𝙣𝙜𝙠𝙤 𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙥𝙤𝙣.

Ang lahat ng manlalaro ay kailangang nakasuot ng kumpletong uniporme at dumalo sa 𝗢𝗽𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗱𝗲.

Para sa mga kabataang edad 15–30, hinihikayat na sagutan ang KK Profiling Form sa sumusunod na link:
🔗 https://forms.gle/JDD7JM3ZRwixz4Vs9

Ang SK Sportsfest ay hindi lamang isang paligsahan kundi isang pagkakataon upang patatagin ang samahan ng bawat sitio at bigyang-diin ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng kabataan sa gawaing pangkomunidad. Sama-sama nating ipakita ang husay, galing, at dangal ng Kabataang Balite.