𝑴𝑨𝑩𝑼𝑯𝑨𝒀 𝑨𝑵𝑮 𝑴𝑨𝑵𝑮𝑮𝑨𝑮𝑨𝑾𝑨𝑵𝑮 𝑷𝑰𝑳𝑰𝑷𝑰𝑵𝑶!
Ngayong Araw ng Manggagawa, kinikilala natin ang hindi matatawarang ambag ng bawat Pilipinong masipag at tapat sa serbisyo mula lansangan hanggang opisina, ospital, pabrika, palengke at bukirin.
Mula umaga hanggang gabi, sa init ng araw o lamig ng ulan, patuloy kayong kumikilos para sa pamilya, para sa kinabukasan at para sa bayan.
Mula sa mga guro, nars, drayber, magsasaka, empleyado, at mga manggagawang kabataan, saludo po kami sa inyo!
Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Balite ay nakikiisa sa pagkilalang ito, dala ang taos-pusong pasasalamat para sa inyong walang sawang serbisyo.
𝑴𝒂𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒌𝒂𝒚𝒐, 𝒎𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐!